Ang
pagtitinda ng kalamay ay hindi madaling trabaho. May mga taong kukutyain at
pagtatawanan ka. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay may maibebenta ka. Sa
pagtitinda ng kalamay, naranasan kong mapagtawanan. Nakapagvideo ako ng aking
karanasan ngunit nang ia-upload ko na
ang video kasama ng blog ko, may virus
pala ang USB ko at nag-auto quarantine
ito dahil sa anti-virus na naka-install sa computer na nirentahan ko
kung kaya’t nacorrupt lahat ng
mahahalagang files sa USB ko. Mas
maganda sana kung makikita niyo kung ano ang hirap na dinanas ko sa pagtitinda
ng kalamay. Naranasan ko rin ang hirap ng magbenta nito dahil sa ito ay mahal.
Singkwenta ang halaga ng isang balot na kalamay. Sa aking pagbebenta, kailangan
humiyaw ka ng “KALAMAY!!!” syempre, para malaman ng ibang tao na nagbebenta ka.
Hindi ako nakabenta. Ang dahilan? Mahal kasi ito. Ang katwiran ng mga tao, “ang
mahal naman niyan, wala bang bawas?” at kung minsan, kukwestiyunin ka kung
masarap ba ang itinitinda mo. Syempre kung baguhan ka, mahihiya ka talaga lalo
na kung hindi naman ganoon ang nakasanayan mong uri ng pamumuhay. Ang natutunan
ko sa aking karanasan ay huwag ikahiya ang klase ng pamumuhay o kabuhayan na
mayroon sila at huwag pagtawanan o kutyain man lang ang mga taong nasa ganoong
kalagayan kasi ginagawa nila ang lahat para masustentuhan ang kani-kanilang mga
pamilya. At ang pinaka natutunan ko ay ang pahalagahan ang uri ng pamumuhay na
mayroon ako kasi bihira lamang ang mga taong nagpapahalaga sa uri ng pamumuhay
na mayroon sila hindi nila naiisip na paano kung sila ang nasa ganoong
sitwasyon. Kakayanin kaya nila ang mga pangungutya at pagtatawa sa kanila ng
ibang tao?